INC - candy & family

"I have not hidden Your righteousness within my heart; I have declared Your faithfullness and Your salvation; I have not concealed Your lovingkindness and Your truth ..." (Ps. 40:10, NKJV)

Wednesday, April 30, 2008

3 pesos

3 pesos ang baon ko nung grade 3 ako,
piso pamasahe papunta sa school, piso
pabalik, piso pagkain, nakabibili lang ako
nung soup singkwenta, tapos iyong singkwenta
makukutkot, minsan sinusundo ako at nilalakad
lang namin ni delia from bacood hanggang
sa amin para di magastos iyong piso tapos
bibili kami nung parang mais con yelo na
minsan may pinya ata (ahh.. di ko na masyado
maalala even a good memory)... at kung wala
nga akong sundo nakasasakay na ako ng jeep
na mag-isa :D

Tuesday, April 29, 2008

tv

i miss cnn, bbc and national geographic,
no time to watch tv.

90

90 na si lolo mado bday nya ngayon,
imagine ano ang dinaanan nya for those
90 years?! at iyong isang bisita namin 98!
whuow... may isa naman na 80 plus na, na
di na makababa ng sasakyan at laging tulog
o nakakatulog... nakukumpara ko kung ano
ang itsura niya nung bata pa ako at ngayon...
ang layo... tsk... ok naman ang handaan ni lolo,
maraming nabusog : )

ano ang nilalaman ng buhay ng tao...
wala masyado kung titignan...
nobody can boast.

kanina gusto kong tawagan si joann sa australia
dahil bday nga ni lolo tapos naalala ko iba nga pala
ang oras dun... hehehehe... ok a, iba ang oras dun.

Friday, April 25, 2008

slow learning

e
naalaala ko na iyon lang ang naging
participation ko nung kinder na naisulat sa board,
letter e

book and look
naalaala kong kung di ako mali ay yun lang
ang tama ko sa test sa ceu para sa grade 1,
spell ng book and look, cguro 50 items iyon
kaya di ako nakapasok sa ceu

coke
naaalala ko na tinuturuan akong
magspell ng nanay ni niňa, tutor ko, spelling
ng coke

nung grade 1, takot ako sa english teacher

white
minsan lang ako makakperfect nung grade 2
sa test ay di pa naperfect, kasi naman nakalimutan
ko na Pilipino nga pala iyong test e ang sagot sa
tanong ay kulay puti, pinagkahirap hirap ko pang
isagot iyong white tinanong ko pa sa katabi ko
kung ano ang spelling ng white e dapat nga pala
puti iyong sagot hindi white, yan di tuloy ako perfect
:D

Thursday, April 24, 2008

Ka Eraňo Manalo

Salamat po nang marami sa pag-alaala at
pag-iingat sa amin. Pasensya na rin po sa
mga pagkukulang. Asahan nyo po na ako'y
kaisa ninyo. :D Nalalaman nyo po na kulang
ang pananalita sa pagpapahayag. Salamat
pong muli. :D!

im a bit sad

kasi iniisip ko ang laki ng puhunan ng Diyos
pero konti lang ang sumunod sa Kanya....
tignan mo nalang ang Kanyang nilalang,
ang kalawakan na bilyong bilyong bituin,
ang mundo na di nakabitin at walang tuntungan,
ang dagat na di natatapon sa kalawakan,
ang bawat may buhay, at ang sumunod sa
panukala Niya na matipon kay Cristo ay
nagkukulang din ngunit di baleng nagkukulang
basta't nagsisikap na manatili sa Kanyang panukala
ng paglalang. sa nasa labas sana ay hindi pa
huli ang lahat.

to all my friends

i just want to sincerely say that if you want
to see the Holy City you need to be an
Iglesia ni Cristo member. period. don't hesitate
act now.

Wednesday, April 23, 2008

shake hands

savoring good news :D!!!

Tuesday, April 22, 2008

pouring rain

in the scorching heat rain falls... big drops! i was a bit wet
because i was outside, if only i don't have any business to
attend to it is so nice to play in the rain :D its been years
since i had a rain bath

my access

i'll be nearing to use net25 my access sim ;D

Saturday, April 19, 2008

Ama

Ama, Ikaw lang ang aking Ama. Huwag Mo po akong
iiwanan. Samahan Mo po ako. Isama Mo po ako sa Iyong
piling at sa aking Panginoong Jesucristo. Sa Pangalan
ng Panginoong Jesucristo Amen.