Kuto at dugo
Last Saturday ay nagkaroon ng blood donation dito sa amin kasama ang iba pang lokal,
At this time di ako nakasama sa nakapagdonate even if I want to, kulang kasi ako sa timbang sa mga pwedeng kunan ng dugo, ang sarap din sanang makapagdonate.
Nung bata kami sabi sa amin ng matatanda para magpakuto ay liliparin daw kami at dadalhin duon sa tuktok ng tore ng kapilya pag di kami nagpakuto, syempre sabi lang nila iyon para magpakuto nga kami. Ngayon every now and then kinukutuhan ang mga pamangkin ko, nakakarelax sa kanila at para sa akin din na nagkukuto lalu na pag tinitiris iyong kuto at lisa at tumutunog. : )
Pero matalino rin iyang kuto kahit tinitiris tiris lang iyan, sabi nga ng lolo Daniel ko pag inilagay mo iyong kuto sa rebulto aalis sya ron kasi wala iyong dugo e, walang buhay, mamamatay sya ron pag nanatili sya ron.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home